November 26, 2022

Tom Rodriguez sinabing tuloy-tuloy na ang pagmo-move-on sa ex-wife niyang si Carla Abellana.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

Tom Rodriguez tuloy-tuloy na ang pagmomove-on kay Carla Abellana,
Tom and Carla break-up story.
Buhay ngayon ni Tom Rodriguez sa Amerika.

Tom Rodriguez nagmo-move-on na ng tuluyan kay Carla Abellana

Larawan mula sa Instagram account ni Tom Rodriguez

Talagang tuloy-tuloy na ang pagmomove-on ng aktor na si Tom Rodriguez sa relasyon nila ng ex-wife at aktres na si Carla Abellana. Ito ay makikita sa mga Instagram post ng aktor na ini-enjoy ang buhay niya sa Amerika ngayon.

Sa isa ngang IG post niya nitong nakaraang linggo ay ibinahagi ni Tom ang isang maikling video niya na nagda-drive at looking very happy sa kaniyang ginagawa.

Ang mga fans nila na nakaalala sa dapat sana ay wedding anniversary nina Tom at Carla nitong October 23 ay hindi naman napigilang i-share ang kanilang nararamdaman sa estado ng relasyon ngayon ng dating mag-asawa. Hiling nila sana magkaayos pa ang dalawa at magkabalikan.

“Tom marami kaming nag-pray para sa inyo ni Carla, sayang Tom ang ilang taong relasyon nyo ni Carla. I believe in the Power of Prayer and the Miracle of Love. Tom alam namin mahal mo pa si Carla sana dinggin ng Dios ang taimtim naming panalangin na magkabalikan kayo.”
“Praying for continuous healing of your heart, mind, and spirit and same with Carla as this is your 1st wedding anniversary and always be reminded of your wedding vows. Don’t get too distracted of the evils around esp. in that sin city where you are now. GOD loves you and there is Carla who loves you.❤❤❤❤❤”

Ito ang ilan sa komento ng mga fans ni Tom sa Instagram account niya. Ang aktor hindi naman pinalampas na hindi sagutin ang isa sa mga ito sa pamamagitan ng isang pakiusap.

“I really do appreciate your well wishes. But might I kindly ask if we can refrain from speaking about others on my IG page.”

Ito ang reply ni Tom sa isa mga comments sa kaniya tungkol sa kanila ni Carla.

Sa isa pang reply niya, deretsong pakiusap ni Tom sa mga fans niya na kung puwede ‘wag ng banggitin ang name pa ni Carla sa IG niya. Dahil silang dalawa ngayon ay may kaniya-kaniyang buhay na daw.

“‘Wag na po natin ibanggit ang name dito sa page ko. Thank you. We are no longer together and are moving onto our own paths.”

Ito ang sabi pa ni Tom.

Tom and Carla break-up

Tom Rodriguez Tuloy-Tuloy Na Ang Pagmomove-On Kay Carla

Larawan mula sa GMA News

Matatandaang Hunyo nitong taon ng kumpirmahin ni Tom na hiwalay na sila ng misis na si Carla Abellana.

Sa isang statement ni Tom na ipinost ng manager niyang si Popoy Caritativo sa Instagram ay sinabi nitong umalis ang aktor pa-Amerika noong Marso. At sa kaniyang pag-alis ay kasama niya ang realization na sumuko na si Carla sa pagsasama nila. Ito ay sa kabila ng mga efforts niya umanong ayusin ito.

Sabi pa ng aktor sa kabila ng mga kumakalat na balita sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila, sila lang dalawa ni Carla ang nakakaalam ng buong katotohanan.

“A lot has been said against me but in the end, Carla and I are the only two people who know the truth. It was not a perfect relationship but we both know how much we loved each other.”

Pinabulaanan rin ng aktor na hindi totoo ang mga balitang kumakalat tungkol sa paghihiwalay nila ni Carla. Ito ay kasinungalingan at unfair daw para sa kaniya.

“I will no longer dwell on the reasons why our marriage fell apart. So many lies have been said of me which are completely untrue and utterly unfair.”

Pero pag-amin ng aktor, alam niyang may pagkukulang siya sa aktres. Nabanggit niya rin na naloko siya at nawalan ng malaking pera. Pero paglilinaw ng aktor ni minsan ay hindi niya napagbuhatan ng kamay ang aktres.

“I may have fallen short as a partner especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility. But it must stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla.”

Sinabi rin ng aktor na divorce na ang kasal nila ni Carla at hinihiling nito na mahanap ng aktres ang happiness na deserve niya.

carla abellana and tom rodriguez issue

Larawan mula sa Instagram account ni Carla Abellana

Buhay ngayon ni Tom Rodriguez sa Amerika

Samantala, sa mga IG post ni Tom ay unang inamin niya na-depress siya matapos ang naging hiwalayan nila ni Carla. Pero base sa mga bago niyang post ay mukhang nakamove-on na talaga ang aktor at bumabalik na sa active niyang buhay dati.

“Sorry for spamming your feed with these vain posts, specially since I’m still puny…but after 6 months of feeling weak and having no energy, being short of breath after a few steps, not able to hold anything down, I can’t get over how good I am feeling in my own skin. 🙂 It finally feels like my mind, body and spirit are starting to work in harmony again. :)”

Ito an caption ng IG post ni Tom kung saan makikitang happy and fit muli ang aktor.

 

 

 
 
 
 

View this post on Instagram

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!