DTI Chief, Directang Tututok sa CIAP at PCAB — Kaya bang iangat ang transaparency sa pamamagitan ng pag-anagt pa ng digitalisasyon?
Xpatpinoy | MANILA, Philippines – Sa isang matapang na hakbang para ibalik ang tiwala at pagiging bukas sa publiko, inanunsyo ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina A. Roque, na siya ring Chair ng Construction Industry Authority of the Philippines (CIAP), na ilalagay na niya sa ilalim ng kanyang direktang pangangasiwa ang CIAP at ang mga implementing boards nito, kabilang ang Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB).
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Roque: “Placing them under my direct supervision will ensure that order, transparency, and accountability are restored within these agencies.”
Dagdag pa nito, “Full transparency and cooperation are mandatory, and those who breach the trust and mandate entrusted to us will be held accountable.”
Digitalization: Matibay na Pundasyon na Ba?
Sakto ang pagpasok ni Secretary Roque dahil tila handa na ang PCAB sa mas modernong sistema ng digitalization, na inilunsad ng PCAB Board sa pangunguna ni Executive Director Atty. Herbert Matienzo noon pang panahon ng pandemya. Malaking tulong ito lalu na noong panahon ng pandemya at ngayon ay nagsisilbing matatag na batayan para sa reporma.
Ilan sa mahahalagang digital projects ng PCAB ay ang:
- Online Contractor’s Licensing System (OCLS): Madali at mabilis na online application at renewal ng lisensya.
- E-Payment Integration: Mas ligtas, mabilis, at tiyak na bayaran.
- Real-Time Tracking: Kita agad ang status ng aplikasyon, kaya mas kaunti ang delay at red tape.
- Remote Accessibility: Abot ng serbisyo ang mga contractor saan mang panig ng bansa, lalo na sa probinsya.
Mga Benepisyo sa Hinaharap
Dahil nakahanda na ang digital systems, mas mapapabilis ni Secretary Roque ang pagpapatupad ng transparency at pananagutan sa CIAP at PCAB. Ang mga kasalukuyang sistema ay:
- Gumagawa ng malinaw na record o audit trail sa lahat ng transaksyon.
- Binabawasan ang tsansa ng katiwalian at maling pamamalakad.
- Pinapaganda ang serbisyo at tiwala ng publiko.
- Nagsisilbing matatag na basehan para sa mga darating pang reporma.
Sa paghawak ni Roque ng direkta sa PCAB, dahil sa digitalization, maaaring mas madaling maipatutupad ang full transparency at accountability. Ang mga mapapatunayang lumalabag sa tiwala ng publiko ay pananagutin, samantalang ang mga tapat sa serbisyo ay mas susuportahan ng mas malakas at mas malinaw na sistema.
Pagbabalik ng Tiwala sa Industriya
Ang kombinasyon ng matatag na digital systems at direktang pangangasiwa ng DTI ay hudyat ng panibagong yugto para sa industriya ng konstruksyon sa Pilipinas. Isa itong yugto na nakabatay sa integridad, mabuting pamamahala, at mas epektibong serbisyo.
Kun mapapa-unlad pa ang mga sistema, mas may kakayahan ang DTI na hindi lamang ibalik ang kaayusan kundi itaas pa ang pamantayan ng industriya para sa susunod na mga taon.
